Biyernes, Oktubre 16, 2015

Asunto Y Muerte de Rizal (Si Pepe ang nagtanim, si Bonifacio ang nagdilig)


Si Pepe ang nagtanim, si Bonifacio ang nagdilig

                Sa pagkamatay ng ating pambansang bayani, maraming nagsasabi na ito ang nag-usig ng rebolusyon. Ang kanyang pagkamatay ang siyang dahilan kung bakit nagkaisa ang himagsikan laban sa kolonyalismong Kastila. Siya ang nagbukas ng mata ng mga Pilipino sa maling pagpapairal ng mga prayle noong panahon nila. Napaangat niya ang isang bansa gamit ang isang armas na mas malakas pa sa espada ang utak at panulat.

                Siya ay nagtatag ng isang samahan ang, La Liga Filipina. Ito ay itinayo ni Jose Rizal noong 3 Hulyo 1892na may layuning pag-isahin ang buong kapuluan at mga kasapi upang mapabuti ang pamumuhay at magsagawa ng reporma. Naging kasapi ng Liga si Andres Bonifacio. Itinuring ng mga Espanyol na isang mapanganib na samahan ang Liga kaya’t pinahuli si Rizal apat na raw makalipas ang pagkatatag nito.

                Noong 7 Hulyo 1892, pagkatapos mabuwag ang La Liga Filipina at ipinatapon si Rizal sa Dapitan, itinatag sa pangunguna ni Andres Bonifacio ang Kataastaasan, Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan, ang Katipunan. Layunin ng samahan na magkaisa ang bayan upang palayain ang Pilipinas mula sa Espanya sa pamamagitan ng himagsikan. Malinaw sa kilusan na hindi na sapat ang paghingi ng reporma sa Espanya dahil hindi naman ito nakinig sa mga hinaing ng mga Pilipino kaya’t nagsagawa sila ng himagsikan. Kaya kung wala si Rizal walang himagsikan na naganap  laban sa Espanya.

                Hanggang ngayon, ang pangalang Rizal at Bonifacio ay ilan sa mga tanyag na bayani na hinahangaan ng iba’t ibang henerasyon ng mga Pilipino dahil sa kanilang malaking kontribusyon sa pagkakaisa, kalayaan at pagkakabuklod buklod ng ating bayan.

Asunto Y Muerte de Rizal (Josefina)



Si Josephine pagkalipas ng kamatayan ni Pepe

                Sa kasaysayan, si Josephine Bracken ang huling pag-ibig ni Rizal, ngunit ano nga bang nangyari sa kanya ng mamatay ang kanyang minamahal? Ano nga bang naramdaman niya? Siya ba ay nalungkot o nakaramdam ng tuwa dahil sa ginawang sakripisyo nito? At si Rizal ba ay mananatili sa puso at isipan niya hanggang sa huling saglit ng kanyang buhay?

Rizal's final farewell to Josephine (Rizal Monument, Manila)
                Nang mabaril si Rizal sa Bagumbayan noong ika-30 ng Disyembre, 1896, sumama si Josephine kay Paciano na kapatid ni Rizal sa himagsikan sa Cavite. Gusto ba niyang maghiganti sa pagkamatay ni Rizal? Sinasabing siya ay inihalintulad kay Joan of Arc dahil sa kaniyang pakikipaglaban sa Espanyol at nabalitaan na siya ay nakabaril ng isang Espanyol sa gitna ng kanilang labanan. Siya ay inihambing din kay Florence Nightingale, na nanggamot ng mga sundalo noong Crimean war habang si Josephine naman ay nanggamot ng mga may sakit at mga sugatang Katipunero. Naging tagaawat din siya ng mga nagbabangayan sa Tejeros Convention. Gamit ang kanyang duguang mga paa naglakad siya simula Maragondon hanggang Laguna hanggang makarating siya sa daungan papuntang Maynila.

                Pagkatapos ng himagsikan na naganap, nakaalitan niya ang pamilya ni Rizal dahil gusto niyang makihati sa mga aklat ni Rizal ngunit wala siyang maipakitang pruweba na talagang kinasal sila ng umaga, kundi ang nakasulat sa regalo ni Rizal sa kanya, “To my dear and unhappy wife, Josephine”.

                Nang nakabalik si Josephine sa Hongkong noong Disyembre 1898, dalawang taon makalipas ang pagkamatay ni Rizal, ay nakilala niya si Vicente Abad hanggang sa bumalik sila ng Cebu noong Disyembre 1899 at nagkaroon ng negosyo sa mga bisikleta. Sinasabing ang dating pangulo na si Sergio Osmena ay unang natuto ng bisikleta sa tindahan ng mga Abad at sa parehong oras ay natuto siya ng salitang Ingles kay Josephine.

                Nagkaroon si Josephine at si Vicente ng anak na si Dolores at sinasabing ito ay ampon. Mayroon ding mga kontrobersiya na nagsasabing ito ay anak ni Rizal, pero lagi itong itinatanggi sa publiko.

                Si Josephine ay bumalik ng Hongkong upang magpagamot ng tuberculosis. Ngunit kalaunan ay namatay din siya sa edad na 25.

                Maraming mga spekulasyon ang bumabalot sa katauhan ni Josephine at sinasabi na madali itong nakaMOVE ON kay Rizal. Maaari kong sang-ayunan ang sinabi ni Ofilada na si “Rizal ay isang bahagi na lamang ng nakaraan ni Josephine Bracken”.

                Makikita natin sa sa kabila ng samu’t saring mga isyu ukol sa pagkatao niya, siya ay naglingkod pa din sa Inang Bayan at maiituring nating isa sa mga bayaning hindi gaanong nabigyang pansin sa kasaysayan ng Piipinas.




Asunto Y Muerte de Rizal (Retracción)

            

RETRAKSYON


si Rizal sa Freemasonry
          Ang isa sa pinakamatinding kontobersiya ukol kay rizal ay ang kanyang  isyu ng retraksyon na hanggang ngayon ay patuloy pa ding pinagtatalunan.
            May mga ebidensya na nagpapatunay ng retraksyon ni rizal na nagmula kay Padre Balaguer. Isang tekstong nailathala noong mismong araw ng pagbaril kay rizal:

             I declare myself a catholic and in this Religion in which I was born and educated I wish to live and die.

            Ipinahayag niya na siya ay Katoliko dahil hindi naman siya naging Protestante kahit siya ay napuntang Europa na ganito ang relihiyon. Ngunit tila may ilang mga linya ang nagpagulo sa isipan ng karamihan.


           I retract with all my heart whatever in my words, writings, publications and conduct has been contrary to my character as son of the Catholic Church.


          Sinasabing hindi siya lumaban sa simbahan. Ipinahayag lamang niya kung ano ang kanyang nakikita at kung ano ang mga hinaing ng kanyang kapwa Pilipino. Hindi rin niya itinanggi ang Masonriya dahil ayon sa teksto:

          I abominate Freemasonry as the enemy that is of the Church and as a society prohibited by the same church.

           Sa pagsisiyasat ni David Roble lumalabas na hindi retraksyon ang nilagdaan ni Rizal kundi ang pinalagdaan sa kanya ng mga Heswita bago siya barilin. Habang ayon naman sa pagsusuri ni Dr. Ricardo Pascual ay ang mga teksto ay tila gawa gawaan lamang o ginaya lamang ang lagda ni rizal. Maaaring sabihin na ang retraction note ay gawa lamang ng isang normal na tao.
            Mahirap patunayan ang isang bagay kung wala ka namang sapat na ebidensya at katibayan. Katulad ng retraksyon ni Rizal, tila ang kanilang mga opinyon at mga sinasabing pruweba ay tila kinukwestiyon pa rin hanggang ngayon.Nagretrak man si Rizal o hindi, siya ay mananatili pa ding ating bayani sa kabila ng lahat ng kontrobersiyang bumabalot sa kanyang pagkatao.

Biyernes, Oktubre 9, 2015

Asunto Y Muerte de Rizal (Pagkamatay ni Pepe)


Rizal Monument, Manila
Pagkamatay ni Pepe

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

“Consumatum est!”- Kasabay ng walong tunog ng putok ng baril ang nagpagising sa puso at isip ng mga Pilipino na magsimula ng rebolusyon upang makamit ang inaasam na kalayaan sa ilalim ng kamay ng mga Espanyol.

Ang kamatayan ni Rizal ay ipinasya sa loob ng ilang araw matapos siyang arestuhin pagdating sa Maynila. Sa kabila nito, sinikap siyang sagipin ng mga Katipunero sa bingit ng kamatayan ngunit hindi ito maaari dahil kailangan niyang pu
mayag rito. Iginiit niya na wala siyang kasalanan sa mga Espanyol kaya’t tumanggi siya sa kamatayang ipinataw sa kanya. Una pa lamang ay nagpahalaga na siya sa ibang tao kaya naman nabanggit niya na kung mamamatay ang isang Katipunero sa pagsakip sa kanyang buhay ay wala ding halaga dahil isang buhay din ang mawawala sa pagsagip ng isa pang buhay.

Hindi ang kamatayan ni Rizal ang ating batayan sa kaniyang pagiging bayani. Kundi ang kanyang naging paglilingkod at pagsakripisyo sa kanyang buhay na noong unang panahon hanggang sa henerasyon ngayon ay patuloy pa nating natatamasa dahil siya ang nagtanim ng binhi ng rebolusyon kung saan si Bonifacio ay nagdilig at nanguna sa paghihimagsik laban sa mga Espanyol at kung saan bininyagan si Rizal ng kahulugan ng katagang “bayani” bilang pagtatakda sa kanya bilang honorary president ng Katipunan.

Sinasabi ni Renato Constantino na si Rizal daw ay isang American-sponsored hero. Sinasabing si Rizal ay naging bayani dahil sa mga Amerikano, sapagkat hindi niya isinusulong ang pagkakaroon ng kalayaan kundi ang pagkakapantay ng mga Pilipino at mga Espanyol. Maraming tumutol at nagsasabi ng pagkakamali ni Renato na sa halip na “Veneration Without Understanding”, ay “Veneration Without Verifying” ang itinawag  dito.

Ngunit sa kabila ng mga isyu at kontrobersiyang bumabalot sa buhay ni Rizal, ang kanyang sakripisyo ay patuloy na naging inspirasyon ng iba pang mga bayani. Katulad ni Manuel L. Quezon na ginugol ang kanyang oras at pera sa pagtatatag ng Commonwealth, ni Jose P. Laurel na isinakripisyo ang kanyang reputasyon para iligtas ang mga Pilipino sa mga Hapon at si Efren Peñaflorida na nag alay ng dugo at pawis para lang maturuan ang mga batang nasa lansangan sa Cavite.

Hindi nakakapagtaka ang kabayanihang ipinakita ni Rizal. Siya ay nananatili at mananatiling puso ng rebolusyon at pambansang bayani ng mga Pilipino.