RETRAKSYON
si Rizal sa Freemasonry |
Ang isa sa pinakamatinding
kontobersiya ukol kay rizal ay ang kanyang
isyu ng retraksyon na hanggang ngayon ay patuloy pa ding pinagtatalunan.
May mga ebidensya na nagpapatunay ng
retraksyon ni rizal na nagmula kay Padre Balaguer. Isang tekstong nailathala
noong mismong araw ng pagbaril kay rizal:
I declare myself a catholic and in
this Religion in which I was born and educated I wish to live and die.
Ipinahayag
niya na siya ay Katoliko dahil hindi naman siya naging Protestante kahit siya
ay napuntang Europa na ganito ang relihiyon. Ngunit tila may ilang mga linya
ang nagpagulo sa isipan ng karamihan.
I retract with all my heart whatever in my words, writings, publications and
conduct has been contrary to my character as son of the Catholic Church.
Sinasabing hindi siya lumaban sa
simbahan. Ipinahayag lamang niya kung ano ang kanyang nakikita at kung ano ang
mga hinaing ng kanyang kapwa Pilipino. Hindi rin niya itinanggi ang Masonriya dahil
ayon sa teksto:
I abominate Freemasonry as the enemy
that is of the Church and as a society prohibited by the same church.
Sa pagsisiyasat ni David Roble lumalabas
na hindi retraksyon ang nilagdaan ni Rizal kundi ang pinalagdaan sa kanya ng
mga Heswita bago siya barilin. Habang ayon naman sa pagsusuri ni Dr. Ricardo
Pascual ay ang mga teksto ay tila gawa gawaan lamang o ginaya lamang ang lagda
ni rizal. Maaaring sabihin na ang retraction note ay gawa lamang ng isang
normal na tao.
Mahirap patunayan ang isang bagay
kung wala ka namang sapat na ebidensya at katibayan. Katulad ng retraksyon ni
Rizal, tila ang kanilang mga opinyon at mga sinasabing pruweba ay tila kinukwestiyon
pa rin hanggang ngayon.Nagretrak man si Rizal o hindi, siya ay mananatili pa
ding ating bayani sa kabila ng lahat ng kontrobersiyang bumabalot sa kanyang
pagkatao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento