Biyernes, Oktubre 9, 2015

Asunto Y Muerte de Rizal (Pagkamatay ni Pepe)


Rizal Monument, Manila
Pagkamatay ni Pepe

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

“Consumatum est!”- Kasabay ng walong tunog ng putok ng baril ang nagpagising sa puso at isip ng mga Pilipino na magsimula ng rebolusyon upang makamit ang inaasam na kalayaan sa ilalim ng kamay ng mga Espanyol.

Ang kamatayan ni Rizal ay ipinasya sa loob ng ilang araw matapos siyang arestuhin pagdating sa Maynila. Sa kabila nito, sinikap siyang sagipin ng mga Katipunero sa bingit ng kamatayan ngunit hindi ito maaari dahil kailangan niyang pu
mayag rito. Iginiit niya na wala siyang kasalanan sa mga Espanyol kaya’t tumanggi siya sa kamatayang ipinataw sa kanya. Una pa lamang ay nagpahalaga na siya sa ibang tao kaya naman nabanggit niya na kung mamamatay ang isang Katipunero sa pagsakip sa kanyang buhay ay wala ding halaga dahil isang buhay din ang mawawala sa pagsagip ng isa pang buhay.

Hindi ang kamatayan ni Rizal ang ating batayan sa kaniyang pagiging bayani. Kundi ang kanyang naging paglilingkod at pagsakripisyo sa kanyang buhay na noong unang panahon hanggang sa henerasyon ngayon ay patuloy pa nating natatamasa dahil siya ang nagtanim ng binhi ng rebolusyon kung saan si Bonifacio ay nagdilig at nanguna sa paghihimagsik laban sa mga Espanyol at kung saan bininyagan si Rizal ng kahulugan ng katagang “bayani” bilang pagtatakda sa kanya bilang honorary president ng Katipunan.

Sinasabi ni Renato Constantino na si Rizal daw ay isang American-sponsored hero. Sinasabing si Rizal ay naging bayani dahil sa mga Amerikano, sapagkat hindi niya isinusulong ang pagkakaroon ng kalayaan kundi ang pagkakapantay ng mga Pilipino at mga Espanyol. Maraming tumutol at nagsasabi ng pagkakamali ni Renato na sa halip na “Veneration Without Understanding”, ay “Veneration Without Verifying” ang itinawag  dito.

Ngunit sa kabila ng mga isyu at kontrobersiyang bumabalot sa buhay ni Rizal, ang kanyang sakripisyo ay patuloy na naging inspirasyon ng iba pang mga bayani. Katulad ni Manuel L. Quezon na ginugol ang kanyang oras at pera sa pagtatatag ng Commonwealth, ni Jose P. Laurel na isinakripisyo ang kanyang reputasyon para iligtas ang mga Pilipino sa mga Hapon at si Efren Peñaflorida na nag alay ng dugo at pawis para lang maturuan ang mga batang nasa lansangan sa Cavite.

Hindi nakakapagtaka ang kabayanihang ipinakita ni Rizal. Siya ay nananatili at mananatiling puso ng rebolusyon at pambansang bayani ng mga Pilipino.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento