Biyernes, Oktubre 16, 2015

Asunto Y Muerte de Rizal (Si Pepe ang nagtanim, si Bonifacio ang nagdilig)


Si Pepe ang nagtanim, si Bonifacio ang nagdilig

                Sa pagkamatay ng ating pambansang bayani, maraming nagsasabi na ito ang nag-usig ng rebolusyon. Ang kanyang pagkamatay ang siyang dahilan kung bakit nagkaisa ang himagsikan laban sa kolonyalismong Kastila. Siya ang nagbukas ng mata ng mga Pilipino sa maling pagpapairal ng mga prayle noong panahon nila. Napaangat niya ang isang bansa gamit ang isang armas na mas malakas pa sa espada ang utak at panulat.

                Siya ay nagtatag ng isang samahan ang, La Liga Filipina. Ito ay itinayo ni Jose Rizal noong 3 Hulyo 1892na may layuning pag-isahin ang buong kapuluan at mga kasapi upang mapabuti ang pamumuhay at magsagawa ng reporma. Naging kasapi ng Liga si Andres Bonifacio. Itinuring ng mga Espanyol na isang mapanganib na samahan ang Liga kaya’t pinahuli si Rizal apat na raw makalipas ang pagkatatag nito.

                Noong 7 Hulyo 1892, pagkatapos mabuwag ang La Liga Filipina at ipinatapon si Rizal sa Dapitan, itinatag sa pangunguna ni Andres Bonifacio ang Kataastaasan, Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan, ang Katipunan. Layunin ng samahan na magkaisa ang bayan upang palayain ang Pilipinas mula sa Espanya sa pamamagitan ng himagsikan. Malinaw sa kilusan na hindi na sapat ang paghingi ng reporma sa Espanya dahil hindi naman ito nakinig sa mga hinaing ng mga Pilipino kaya’t nagsagawa sila ng himagsikan. Kaya kung wala si Rizal walang himagsikan na naganap  laban sa Espanya.

                Hanggang ngayon, ang pangalang Rizal at Bonifacio ay ilan sa mga tanyag na bayani na hinahangaan ng iba’t ibang henerasyon ng mga Pilipino dahil sa kanilang malaking kontribusyon sa pagkakaisa, kalayaan at pagkakabuklod buklod ng ating bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento